- May nakasakay akong matandang babae sa bus. Di malayo yung upuan niya sa upuan ko. Kakatakot; nakatitig siya sa'kin mula nung sumakay ako hanggang bumaba. Para akong nasa episode ng "Shake, Rattle & Roll."
- Minsan may nakatabi akong matandang lalaki (ba't ba'ko lapitin ng mga senior citizen? Amoy La Campana ba ako?). He was giggling like a schoolgirl dahil dun sa mga jokes ng mga DJ ng Love Radio.
- I overheard this dialogue: "Pare, gulo ng organizer ko." Nalito ako dun.
- Minsang sumakay ako ng jeep, may nagpa-abot ng bayad sa'kin. Babae, lambot ng kamay. Pag-abot ko sa driver, gaspang naman ng kamay niya. Panay kalyo na. That moment reminded me of how unfair Life could be. She can be loving and caring sa isang tao, but She could also be cruel and sadistic pagdating sa iba.
09 July 2006
Hassle mag-commute. Magastos (35 pesos, back and forth). Unahan. Agawan. Siksikan. Yung usok. Kailangan mahaba ang pasensya mo. Pero kung minsan, may mga bonus na eksena na sa pagko-commute lang masasaksihan at mararanasan. Tulad ngayong linggo:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
...one way ko palang yata yan e. and as my travel time takes about twice as long as yours, mas marami akong kwento! kya lang syempre blog mo to.
ReplyDeletelapitin ng senior citizens? oo naman. kasi mga magka "demographic" nga kayo di ba?
Yup. life is unfair. diko magets why everyone thinks ako yung masama sa ating dalawa e ikaw yung laging nang-aapi. unfair. tsk tsk.
at sus, may kunwari ka pang may social commentary jan, when the point really was yung malambot na kamay nung babae. sus.
sadistic=glenn