Sa lumang Transformers cartoons, saan ba nanggagaling yung cargo hold ni Optimus Prime pag nagtra-transform siya? At bakit parang lumiliit si Megatron pag nagiging baril siya?
At saka paano na sina Blaster at Soundwave sa darating na Transformers movie? Di ba di na uso yung cassette ngayon? Sobrang liit naman kung MP3 player sila o kaya iPod.
ano ba? adik ka tlga. napag-usapan na naten to e. tama palang kalkalin ko tong blog mo habang naghihintay akong bumaba yung pacific ocean sa bahay namin. Lalo mong pinaiinit ang ulo ko. >_<
ReplyDeleteNapag-usapan na natin yan. May GPS nga yun e. I mean, if Daimos can do it, bakit hindi si optimus???? Prang FED-EX, madaming station na naka-abang, kung alin yung pinakamalapit kay optimus, yun yung pupunta sa kanya. He's the freakin leader, siyempre madami siyang liberties. (Hail optimus! Akin ang puso mo!)
Pati si Soundwave dinadamay mo >_< isa sa paborito ko pa naman yun, kahit color blind daw ako dahil blue daw ang kulay nya pero sabi ko black. Di ba black??? Siyempre cassette padin sila. Ganito kasi yan lolo, iniisip nung mga producers and director/s nung bagong transformers na movie ay mas maaappreciate daw yun ng mga lolong katulad mo na siyang nakasubaybay sa kanila nung una siyang pinalabas. Para nostalgic, di ba? Para mas makarelate ka lolo. They did it for you, ano ka ba? Magtatanong pa e.
Tska sa trailer di ba galing sila sa mars? bakit kelangang sumabay yung technology nila sa technology naten? may mabibili ka bang MP3 player ngayon na makakatransform into a panther ang CD??? That's what works for them e. Tabla lang si blaster at soundwave kahit radyo si blaster tapos walkman si soundwave (pero cyempre mas magaling si soundwave ko!)
What a sacrilegious thought naman to actually consider that, kawawa naman si Soundwave >_<
Yehey! Transformers movie! Since 2007 na, si soundwave kaya ay si soundblaster na? Hmm...
God, haba ng comment mo. Isasali ko ito sa Palanca.
ReplyDelete