16 December 2006

Marami ang kasalukuyang nagtatangka na "turuan" ang mga computers na makaintindi ng language natin. Hindi yung mga simpleng voice commands na "open," "close," "start," "stop." Yung totoo. Yung parang nakikipag-usap talaga. Sa tingin ko, matatagalan pa bago ma-realize ang goal nila. Sobrang complex ng communication. Halimbawa, minsang nasa elevator kami, narinig ko ang exchange na 'to.

Girl 1: ...si Junie.

Girl 2: Sinong Junie?

Girl 1: Si Junie.

Girl 2: Junie?

Girl 1: Si Junie...

Girl 2: Ah, si Junie!

No comments:

Post a Comment