Bagong taon na naman. Uso na naman ang paggawa ng mga New Year's Resolutions. Kahit kelan, di pa ako gumawa niyan. Well, actually, gumawa na ako dati pero dahil assignment namin yun nung high school. Di counted yun dahil sapilitan at di ko naman talaga sineryoso. Pero sa parating na bagong taon, nagdesisyon ako na gumawa ng New Year's Resolutions. Feeling ko, naging stagnant ako nitong mga huling nagdaang taon. Baka sakali, mapaandar ng maliit na listahan na 'to ang buhay ko. Eto na:
- Tumigil sa paglanghap ng second hand smoke.
- Bumili at magbasa ng kahit isang libro man lang kada isang pay period.
- Manood ng sine at least once kada isang pay period.
- Makatapos ng tunay na screenplay bago matapos ang taon.
- Tigilan na ang pagmumura.
Kamusta nman sa mga new year's resolution? Ewan ko nga ba kung totoo ang new year's resolution, every year ang new year's resolution ko ay pumayat. In fairness, wala pa din improvement. Kaya ewan ko kung totoo yun. Basta sulat ka lang nang sulat genius ka nman eh. Who knows 2007 might be your year.
ReplyDelete