Habang nangangalkal ako sa Book Sale (kung sa'n nakakita ako ng hardcover ng Mighty McFearless way way below the cover price - and yes, it's a children's book; yun lang kaya ng utak ko, e) nakita ko ang isang matandang lalaki, naka-wheelchair, tulak-tulak ng isang lalaki.
Maraming nakakalat na libro sa sahig kaya nahihirapan magmaniobra yung taga-tulak. Tinuro ko sa saleslady. Bago pa maitabi nung girl yung mga nakakalat na books, tumayo yung matanda. Inalalayan na lang nung saleslady yung matanda papasok. Kumapit sa kanya yung matanda.
Sabi nung girl, "Wala po ba kayong tungkod?"
Sabi nung matanda, "Bakit ako magtu-tungkod? E di hindi ako nakahawak sa'yo."
Lolo, you smooth dog you.
Naalala ko tuloy nung minsang sumakay ako ng jeep. Puno na dun sa hilera namin, yung sa kabila medyo masikip na pero kasya pa daw isa sabi nung driver at barker. Isang lalaki ang pumasok, kaso sobrang liit na talaga nung space. Masikip na talaga.
Sabi nung lola na nasa tabi ko, "Di na kasya. Ang tataba nila, e," pointing at the passengers in front of us.
No comments:
Post a Comment