13 March 2010

Straight out of The Prestige.

May bago akong boardmate, security guard sa isang convenience store malapit sa'min. Pag-uwi ko galing trabaho, around 3:00am, tulog pa sya. Mga 4:00ish gigising na siya para maligo, mag-almusal, magbihis, etc. Tapos papasok na. Ang weird dito, pagkatapos ng isang oras, babalik na ng boarding house, lalabhan yung uniporme, tapos matutulog na uli. Pag-gising ko sa hapon andun pa din. Pag-alis ko ng boarding house bandang 3:00pm para pumasok, tulog pa din. Tapos, pag-uwi ko uli ng madaling araw, asa boarding house pa rin! Gigising uli siya bandang 4:00am para maligo, mag-almusal, etc. etc. tapos papasok na tapos babalik din agad ng boarding house. Araw-araw ganun. Weird.

Kahapon ko lang nalaman na hindi ko siya boardmate; siya ay boardmates! Dalawa sila! Magkapatid sila at magkamukha at isang kama lang ang inuupahan nila para makatipid at sila ang nagpapalitan sa duty sa convenience store! Ang galing! This is so cool! Kaso, bakit walang nagsabi agad sakin tungkol dito? Ilang araw din akong napaisip kung bakit bumabalik agad siya ng boarding house. Grr.

3 comments:

  1. Hehhehe... Galing glenskie!

    ReplyDelete
  2. Nangyayari pala sa tunay na buhay ito hahaha genius.

    ReplyDelete
  3. Oo naman, lalo na pag malabo mata tapos ayaw magsalamin kasi matigas ang ulo.

    GLENNs rule!

    ReplyDelete