01 August 2010

Isa sa mga pinaka-interesting na tao na nakilala ko e ang may-ari ng dati kong boarding house. Funny guy. Lagi siyang nainom ng alak at pag medyo lasing na (lalo na pag galit) e nagiging inglisero at kung anu-ano ang sinasabi. Kung minsan nakaka-inis, kung minsan mapapa-isip ka at kung minsan e nakakatuwa ang mga sinasabi.

May quote na laging ginagamit sa sports, "The best offense is defense." Pwede ding baliktad, "The best defense is offense." May sariling version yung may-ari nung boarding house. Nanunood kami nun ng isang boxing match. Agree siya sa tactic nung isang boxer na patuloy na sugurin ang kalaban. Paliwanag niya, "The best way to defend is to offend."

1 comment:

  1. Kilala ko yaaaaaan! Hahah.
    Alcohol, alcohol, utak moĆ½ buhol buhol 4x :)

    ReplyDelete