Showing posts with label on the road. Show all posts
Showing posts with label on the road. Show all posts

24 June 2011

Gaano katrapik kahapon? Nung sumakay ako ng bus sa Evangelista, di pa nag-uumpisa yung Magic Palayok. Pagbaba ko sa Ortigas, Captain Barbell na ang palabas.

21 April 2011

Nang dahil sa schedule na 'to, updated ako sa nangyayari sa Magic Palayok (pwe!). Yan kasi ang laging pinapanood sa mga bus na nasasakyan ko papasok sa office.

♪ Sa magic palayok, luto'y nalalasap... ♪

16 August 2009

Movie ni Manny Pacquiao yung pinapanood sa bus na nasakyan ko last week. Akala ko sci-fi yung movie kasi parang mga robot umakting yung mga artista.

27 December 2008

 Me The Ramones shirt akong nakita sa Landmark, ang ganda. Kaso, di ko binili dahil isa lang naman yung kanta ng The Ramones na alam ko. Di ako tunay na fan ng The Ramones.

Minsan, sa jeep, yung dalawang pasahero sa harap ko, nakasuot ng Clean and Green shirt. Mga government employees. Nag-uusap sila tungkol sa thirteenth month pay. Yung sa kanila daw di pa naibibigay pero yung ke Kwan nakuha na nya.

Sabay tapon ng tissue sa kalsada.

16 October 2008

Still on tarpaulins, me nadaanan ako dati na tarpaulin para sa isang Miss Gay contest sa isang barangay. Sa isang side nung tarpolin e nandun yung mukha nung Congressman na nag-sponsor nung contest. Mukha tuloy siya yung nanalo dun sa contest.
Malayo pa ang election pero andami ko nang nakikitang mga billboards at posters ng mga politician. Nakakainis. Nakakasira ng view. Pero nung Tuesday, nung pauwi ako galing work, me nakita akong poster ng politician na nakadikit sa tamang lugar (me message pa nga na panatiliing malinis ang lugar) - sa trak ng basura. Bagay!

14 September 2008

Habang nangangalkal ako sa Book Sale (kung sa'n nakakita ako ng hardcover ng Mighty McFearless way way below the cover price - and yes, it's a children's book; yun lang kaya ng utak ko, e) nakita ko ang isang matandang lalaki, naka-wheelchair, tulak-tulak ng isang lalaki.

Maraming nakakalat na libro sa sahig kaya nahihirapan magmaniobra yung taga-tulak. Tinuro ko sa saleslady. Bago pa maitabi nung girl yung mga nakakalat na books, tumayo yung matanda. Inalalayan na lang nung saleslady yung matanda papasok. Kumapit sa kanya yung matanda.

Sabi nung girl, "Wala po ba kayong tungkod?"

Sabi nung matanda, "Bakit ako magtu-tungkod? E di hindi ako nakahawak sa'yo."

Lolo, you smooth dog you.

Naalala ko tuloy nung minsang sumakay ako ng jeep. Puno na dun sa hilera namin, yung sa kabila medyo masikip na pero kasya pa daw isa sabi nung driver at barker. Isang lalaki ang pumasok, kaso sobrang liit na talaga nung space. Masikip na talaga.

Sabi nung lola na nasa tabi ko, "Di na kasya. Ang tataba nila, e," pointing at the passengers in front of us.

26 December 2007

Nung Lunes, papunta ako sa boarding house ng kapatid ko dahil dun kami magkri-krismas. Sa bus, nung malapit na sa Baclaran Church, natrapik kami. Habang naka-stop, sinamantala nung driver at kundoktor ang pagkakataon para... mag-Eskinol.

09 July 2006

Hassle mag-commute. Magastos (35 pesos, back and forth). Unahan. Agawan. Siksikan. Yung usok. Kailangan mahaba ang pasensya mo. Pero kung minsan, may mga bonus na eksena na sa pagko-commute lang masasaksihan at mararanasan. Tulad ngayong linggo:
  • May nakasakay akong matandang babae sa bus. Di malayo yung upuan niya sa upuan ko. Kakatakot; nakatitig siya sa'kin mula nung sumakay ako hanggang bumaba. Para akong nasa episode ng "Shake, Rattle & Roll."
  • Minsan may nakatabi akong matandang lalaki (ba't ba'ko lapitin ng mga senior citizen? Amoy La Campana ba ako?). He was giggling like a schoolgirl dahil dun sa mga jokes ng mga DJ ng Love Radio.
  • I overheard this dialogue: "Pare, gulo ng organizer ko." Nalito ako dun.
  • Minsang sumakay ako ng jeep, may nagpa-abot ng bayad sa'kin. Babae, lambot ng kamay. Pag-abot ko sa driver, gaspang naman ng kamay niya. Panay kalyo na. That moment reminded me of how unfair Life could be. She can be loving and caring sa isang tao, but She could also be cruel and sadistic pagdating sa iba.

02 July 2006

The Week that was.

I received a text message from a friend asking me to pray for her because she's at a crossroads. Naalala ko tuloy, nung mga bandang February or March, nasa similar situation din ako. Pero di lang crossroads, "asteriskroads". A lot of things were up in the air kaya naman naisipan kong pumunta sa simbahan, baka sakaling may dumating na inspiration o enlightenment. Nilakad ko mula samin hanggang simbahan (umiikot pa kasi kung saan-saan yung mga jeep, mas matagal). Tiniis ko yung init ng araw. Kaso pagdating ko dun, sarado. Di pala 24-7 si God.

On my way to work, I saw a car that got pulled over by a traffic enforcer. I expected the driver to bribe the enforcer and I expected the enforcer to accept the bribe. He did and he did. Ang ikinagulat ko, nag-thank you yung traffic enforcer. Kapal.

And finally, Friday was payday. I was finally able to afford real food.