Showing posts with label analytics. Show all posts
Showing posts with label analytics. Show all posts

02 March 2011



I-click ang pic, para masaya.

09 January 2011

Top 10 Most Frequently Searched Words on M-W.com (as of 9 January). Love is at No. 3, and I liked the Editor's Note that accompanied it.



M-W.com is an Encyclopaedia Britannica company. Dati, nung wala pang Internet, sikat ang encyclopedia. Ang hirap mag-research kasi kelangan mo basahin para alam mo kung alin ang isasama at alin ang hindi. Tapos kelangan ipa-xeroxphotocopy kasi di naman pwedeng gupitin. Ngayon, copy tapos paste - tapos!



Anyways, speaking of Top 10 lists, ang Number 1 keyword for 2010 para sa blog na to, according to Google Analytics, is Ellen. Hindi si Ellen Adarna. Lising. Ellen Lising. Kahit na may mga bagong shows si Ellen Adarna nung 2010, tinalo pa rin siya ni Ellen Lising.


Not even close.

19 October 2009

Analyze This II.

Na-curious ako dun sa billy crawford kilikili kaya nag-decide ako na tingnan lahat ng mga keywords na ginamit nung mga nagpunta naligaw sa lumang blog ko.

Eto ang 10 most interesting:
  1.  "ellen adarna" "ellen adarna bad breath" "ellen adarna fans blogspot" - Sobrang sikat talaga si Ellen. Daming hits nung post ko tungkol sa kanya. Dapat siguro ulit-ulitin ko pangalan niya para dumami pa lalo hits ng blog ko. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. - pu+@! ba't ko tina-type ng paulit-ulit e me copy paste naman? - Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna.
  2. "nag-apply ako sa ABS CBN" "nag apply ako job sa ABS CBN" - Di ka pa tinatawagan?
  3. "my love how much i love you" - Lyrics ba 'to? Di mo alam title no?
  4. "cartoon strip about water conservation" "comics strip para sa pagiging malinis" "differences of tabloid and broadsheet" "halimbawa ng komik strip na may homonyms" "halimbawa ng komik strip tungkol sa kalikasan" "komik strip ng ibong adarna aralin 6" - Para sa assignment/project siguro lahat 'to. Antatamad n'yo!
  5. "ligo ligo ligo safeguard ringtone" - Meron? Ba't kelangan tatlong beses i-type yung "ligo"?
  6. "maganda ba ang trabaho na waiter" - Hindi. Marangal siya, oo, pero mag-aral ka ng mabuti para maging abugado ka.
  7. "paano ba nagkakagusto ang isang lalaki" - Ha ha ha. Secreeeet.
  8. "panabong na binebenta" - High tech na ba mga sabungero ngayon? Nagbe-benta na ba sila sa eBay?
  9. "papaano ba pumasa sa isang interview" - Get a good night's sleep. Mag-research ka tungkol sa company na ina-applyan mo. Mas maganda kung me alam ka tungkol sa mag-iinterview. Dapat maayos ang pananamit para... teka, ikaw ba nag-search nung No. 2?
  10. "paano ang tanggalin ang kumapit na sili sa kamay" - Sinubukan mo na bang maghugas?

07 October 2009

Analyze this.

Sabi ng Google Analytics, nung October 2 daw e me naligaw sa lumang blog ko.  Sabi ng Google Analytics, galing daw sa Google yung visitor. Nag-search siya.  Ang keyword: billy crawford kilikili.

Billy crawford kilikili?  Talaga?  Me nagse-search ng ganun?


amoySAFEGUARD po yung blog ko, di amoyTAWAS.

Pero pinakamalupit pa rin yung September 22.  Galing din ng Google.  Ang keyword:  mga callboy sa baclaran.