19 October 2009

Analyze This II.

Na-curious ako dun sa billy crawford kilikili kaya nag-decide ako na tingnan lahat ng mga keywords na ginamit nung mga nagpunta naligaw sa lumang blog ko.

Eto ang 10 most interesting:
  1.  "ellen adarna" "ellen adarna bad breath" "ellen adarna fans blogspot" - Sobrang sikat talaga si Ellen. Daming hits nung post ko tungkol sa kanya. Dapat siguro ulit-ulitin ko pangalan niya para dumami pa lalo hits ng blog ko. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. - pu+@! ba't ko tina-type ng paulit-ulit e me copy paste naman? - Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna. Ellen Adarna.
  2. "nag-apply ako sa ABS CBN" "nag apply ako job sa ABS CBN" - Di ka pa tinatawagan?
  3. "my love how much i love you" - Lyrics ba 'to? Di mo alam title no?
  4. "cartoon strip about water conservation" "comics strip para sa pagiging malinis" "differences of tabloid and broadsheet" "halimbawa ng komik strip na may homonyms" "halimbawa ng komik strip tungkol sa kalikasan" "komik strip ng ibong adarna aralin 6" - Para sa assignment/project siguro lahat 'to. Antatamad n'yo!
  5. "ligo ligo ligo safeguard ringtone" - Meron? Ba't kelangan tatlong beses i-type yung "ligo"?
  6. "maganda ba ang trabaho na waiter" - Hindi. Marangal siya, oo, pero mag-aral ka ng mabuti para maging abugado ka.
  7. "paano ba nagkakagusto ang isang lalaki" - Ha ha ha. Secreeeet.
  8. "panabong na binebenta" - High tech na ba mga sabungero ngayon? Nagbe-benta na ba sila sa eBay?
  9. "papaano ba pumasa sa isang interview" - Get a good night's sleep. Mag-research ka tungkol sa company na ina-applyan mo. Mas maganda kung me alam ka tungkol sa mag-iinterview. Dapat maayos ang pananamit para... teka, ikaw ba nag-search nung No. 2?
  10. "paano ang tanggalin ang kumapit na sili sa kamay" - Sinubukan mo na bang maghugas?

1 comment: