Tumaya ako sa lotto a few weeks ago, nung umabot sa higit 100 million yung jackpot. Alam kong halos walang chance na manalo -- pero malay mo?
Pagkataya ko, kumain muna ako sa Rob Pioneer. Tapos kumain, uwi na. Pagdating ko sa bahay, wala yung lotto ticket na inipit ko sa wallet. Nahulog siguro nung nagbayad ako. Sabi na nga ba dapat hindi na ako kumain.
Nagkaroon tuloy ako ng problema. Paano kung tumama? Feeling ko tatama. Inisip kong tayaan ulit yung number para kahit papaano may makuha ako pag tumama yung mga numbers ko. Pero kakainis pag nangyari yun, magiging kahati ko yung sarili ko.
Tapos paano kung dalawa pala kaming nanalo, e di magiging divided by three instead na hati lang kaming dalawa? At paano pag nalaman niya yung nangyari, magalit kaya siya? Sakalin niya kaya ako?
Pero hindi na ako tumaya. Bahala na. (Sana huwag akong manalo. Sana huwag akong manalo. Sana huwag akong manalo.)
Hindi ko na lang titingnan yung resulta.
Pero syempre, hindi ako nakatiis. Kinabukasan, tiningnan ko kung ano yung lumabas. At walang tumama kahit isang numero.
Yey!
No comments:
Post a Comment