Watched Youth 2010 Presidential Forum on Studio 23.
Jamby Madrigal, Bro Eddie Villanueva and JC de los Reyes on the mic = oras para umihi, uminom ng tubig, lumabas ng bahay para pagmasdan ang bilog at maliwanag na buwan, mag-text, mag-sudoku.
Parehong magaling sumagot sina Dick Gordon at si Gibo Teodoro. Hindi ko iboboto si Gibo, kahit gaano siya kagaling kasi kamag-anak niya si Danding Cojuangco. Ayoko si Danding dahil sa monopoly, dahil sa coconut farmers issue at dahil lahat ng magagaling na players nasa San Miguel, Ginebra at Purefoods. Asan na ang balance sa PBA?
Sa lahat ng presidentiables, si Gordon lang ang may tunay na maipagmamalaki pagdating sa public service. Kung presidentiable ka, paano mo matatalbugan ang nagawa niya para sa Subic? Paano mo mapapantayan ang nagawa niya noong Department of Tourism Secretary pa siya?
Pero kahit gaano kagaling si Gordon, hindi siya mananalo. Dahil ganito talaga sa Pilipinas. Ha ha ha ha HA HA HA HAHAHAHAHAHA! WALA NA TAYONG PAG-ASA! SUMUKO NA TAYONG LAHAT! MAGSI-ALIS NA TAYO DITO! MWA HA HA HA HA HA HAHAHAHAHAHAHUHUHUHUHU HU HU HU HU hu hu hu... Philippine politics sucks. (O dapat ba Philippine politics suck? Me am Tarzan).
--
Hindi ko alam marunong palang mag-rap si Noynoy Aquino. And apparently, hindi pala alam ni Noynoy na di sya marunong mag-rap.
No comments:
Post a Comment